Sabado, Setyembre 6, 2014

“Ako at Ang Aking Pangarap”

     
 Ako ay isang simpleng mag-aaral na may simpleng pangarap sa buhay ito ay ang makatapos sa aking piniling kurso at ito ang pagiging guro baling araw. Bata pa lamang ako ay ito na ang gusto ko. Ito na ang sinasabi ko sa tuwing kasali ako sa program sa aming paaralan noong ako ay elementary, sa tuwing ako ay nagpapakilala sa entablado n gaming paaralan maging sa silid aralan ito na ang sinasabi ko, “I want to be a good teacher someday.” Marahil sa ako ay bata pa noon di ko pa iniisip kung pano nga ba ako magiging isang guro baling araw akala ko madali lamang iyon. Subali`thabang ako ay lumalaki at nagkakaisip tungkol sa mga bagay na ito ay parang nagbabago ang aking isipan sapagkat maraming nagsasabi na mahirap daw ang maging isang guro, kaya natakot ako. Pagtungtong ko sa hayskul ay ito na ang bukang bibig ng aking mga kamag-aaral kung ano ang kukuhanin nilang kurso sa kolehiyo, katulad ko rin ay wala pa sa isip nila kung ano talaga ang kukuhanin nila. Nang kami ay nasa ikaapat na taon na bilang hayskul lalo akong naguguluhan kung ano nga ba ang kukuhanin kung kurso kasi nalaman ko na napakarami pala talagang kurso na pwede mong pagpilian. “Mahirap maging guro” yan ang aking naririnig ko marami sa iba kong mga kaklase pati narin sa aking guro. Kaya nagbago ang isip ko natakot ako nab aka mapahiya lang ako na ito ang kuhanin ko. Pero naman talaga ang gusto ko pati narin ng mga magulang ko para sa akin pero hindi naman nila ako pinipilit dahil ako parin daw ang magdedesisyon. Kaya sa bawat araw na papalapit na kaming grumaduate ay nag aasikaso na din kami ng mga kakailanganin namin para sa pag eenrol sat para makakuha ng entrance exam sa aming napiling paaralan at ito ay ang Batangas State University. Nawala na sa pagpipilian ko ang kursong edukasyon at ang nilagay ko sa first choice ay Accountancy at sa pangalawa naman ay Business Ad . Dahil ito sa impluwensya ng aking mga kaibigan at kaklase. At nang makagraduate na kami ng hayskul at kami`y nasa kolehiyo na wala akong kaalam alam kung ano ang mangyayari sa akin doon, kinakabahan ako dahil panibagong mga tao na ang aking makakasama at makakasalamuha tapos yung feeling naq parang ang tatalino sa math ng mga kaklase mo dahil nga Accountancy ang kursong pinili nila, eh ako naman nakigaya lang sa mga kaklase ko at di naman talaga ako kagalingan sa math na yan pero nung nagtagal dip ala lahat ay matalino, at noong tinanaong kami kung bakit Accountancy ang pinili naming kurso ang sagot nilang lahat ay praktikal lang daw, pero ako wala lang sabi kasi nila maganda daw magiging trabaho ko dito eh.Sa totoo lang di ko gusto ang mga ugali ng mga kaklase ko doon sapagkat iba ako sa kanila ako simple, tahimik at mahiyaing tao. Kaya di ako makasabay sa kanila sila yung mga estudyante na walang pakialam sa iba, paselfie selfie kahit saan, pabonggahan ng damit, at sila din yung tipong namimili ng kakausapin o pakikisamahan. Pero di naman lahat ay  ganon meron parin naman akong nakita na nakusundo  at nakagaanan ko ng loob dahil parehas ka ng  nararamdaman sa mga kaklase namin at ito ay si Maren at Rose An masaya ako pagkasama sila napaingay nila ang isang tulad kong tahimik lang. Nakakwentuhan ko sila tungkol sa mga pangarap nila sa buhay, nawawala ang inis ko sa mga kaklase namin pagkasama ko sila, pinapalakas nila ang loob ko, tinutuuruan nila ako sa mga aralin na di ko maintindihan at sa araw araw na magkakasamakami ay nakagawa kami ng pangarap na para sa aming tatlo na pag nakatapos kami ng sa pag aaral ay sa abroad kami magtatrabaho at magiipon para makapagpata ng sarili naming business tapos kung minsa ay yung iba ay napaka imposible nang mangyari. Pero di ko kinaya ang accountancy napaka komplikado para sa akin kahit nagaaral naman ako ay di ko parin magawang maintindihan yung iba lalo na`t di naman ako kagaling sa math tapos pinipressure pa kayo ng iba nyong prof. Kaya ng matapos angunang semester ay napagpasyahan ko na magshift na lamang ng ibang kurso habang maaga pa at ng sinabi koito sa aking natatanging dalawang kaibigan ay nalungkot sila, pano na daw ang pangarap naming tatlo kaya`t nalungkot din ako. Pero hindi naman yun ang pangarap ko eh, ang gusto ko ay maging guro. Kaya nagshift ako at kinuha ang gusto kong kurso.  Agad ko itong sinabi sa aking mga magulang at pabor naman ito sa kanila. Agad kong insikaso ang shifter  form ko, Matapos ang napakaraming proseso ay nag enrol na ako sa kursong edukasyon. Nakita ko doon ang Aking kaklase noong hayskul nag shift na din daw sya dahil di raw kinayaang engineering. At nang araw na ng pasukan ay kinakabahan ako dahil baguhan lamang ako doon pero nawala ito ng marami na akong nakaausap sa Aking mga bagong kaklase ang gaan ng loob ko sa kanilafeel at home na ako na hindi ko naramdaman noong ako ay nasa Accountancy pa. Ibang iba talaga sila
sa mga naging kaklase ko sa accountancy. Kaya  Masasabi ko na ang Education student sa BSU ay simple, mababait at higit sa lahat tunay na palakaibigan walang pinipili At doon pa lamang Ay lalo kong nagustuhan ang kursong edukasyon  at bukod  sa mga mababait kong mga kaklase ay may mababait din kaming professor na nagpapayo sa amin sa buhay at nagtuturo sa amin ng magagandang asal tungkol sa pagiging guro naminbaling araw at nakaka inspired din ang kanilang mga kwento noong katulad pa lamang nila kaming nangangarap na makatapos sa pag aaral. At ngayon ay kasaluyan kong kinukuha ang kursong edukasyon at second year na ako kahit irregular ako dito ay kakayanin kong makatapos. Masaya naman ako dito, kasi sa kursong ito unti unting nawawala ang pagkamahiyain ko, malaki ang naiitulong sa akin nito natuto akong makihalubilo sa iba`t ibang tao kaya marami na akong mga kakilala at kabatian samantalang noong accountancy student pa ako dalawa lang ang kaibigan ko. At isa pa sa nagustuhan ko sa mga kaklase ko dito ay yung napapansin nila ang aking kakayahan, nabigyan ako ng chance na sa harap ng mga kaklase ko noong valentine’s day na hindi ko naranasan noong ako ay nasa accountancy pa, hindi naman kasi ako
napapansin doon kahit anong gawin ko. Namimiss ko kasi yung atensyon katulad noong nasa highschool at elementary
ako. Noong Elementary kasi ako kasali ako lagi sa sayaw sa tuwing may program sa school tapos  ako ang muse sa section namin kaya ilang beses kong  naranasan ang lumaban sa ibang section pag intrams sa school naming kahit di naman  ako kagandahan pero ako parin ang pinili nila. at noong hayskul naman ako pag sinabing maganda ang boses ako agad ang ituturo ng mga kaklase ko ako ang laging song leader sa klase at gustong gusto ko naman ansarap kasi sa pakiramdam. Pagsayaw at pagkanta talaga ang hilig ko eh, kaya natutuwa ako sa mga taong nakakaapppreciate nito.  Pero ngayong kolehiyo na ako di ko na muna pinupursige ang hilig ko, pag aaral na lang iniintindi ko gusto ko kasi talaga makatapos sa pag aaral para makatulong na ako sa mga magulang ko. Sana talaga mapagtagumpayan ko ang kursong ito, Ito kasi talaga ang pangarap ko pati na rin ng mga magulang ko para sa akin. Isa pa kasi sa pangarap ko na marinig ko mula sa mga magulang ko ang “Anak proud kami sayo” kung iisipin mo parang simple lang pero napakahalaga nito at napakalaking achievement sa buhay ko. Ang mga magulang ko ang inspirasyon ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Kaya hindiako titigil at susuko para maisakatuparan ito.